by pinoyhilot

Marlo share her story about Hilot sa "Oyag"
Most of the children and some adults now a days suffers from abdominal disorders such as stomach cramp, indigestion, bloating from gas ” Kabag “, constipation and some times diarrhea.
Hilot abdominal massage is highly effective remedy in removing obstructions, correcting dislocations and restoring the harmonious flow. Hilot helps open the abdominal cavity and release the fascia so the organs can lay unrestricted in their natural positions.
( Story about Manghihilot ng Mulanay by Marlo Magtibay) – ” Oyag ” , ito ang tawag sa karaniwang nararanasan ng mga bata sa probinsya namin. Taga Mulanay Quezon ako. Doon ako ipinanganak hanggang nagtapos ako ng high school.
Natutuwa akong ibahagi ang aking kaalaman tungkol sa mga karanasan ko noong panahon ng aking kabataan. Naalala ko kapag nag loose bowel ako at sumakit ang tiyan ko, ang sabi ng Lola ko may ” Oyag ” daw ako. agad dadalhin ako sa Manghihilot para ipagamot. Virgin coconut oil at ipinainit na dahon ng saging ang gagamitin para maiayos ang masama kong nararamdaman , makalipas ang 15 minuto na hagod ng mga palad at tulong ng dahon ay nawala ang sakit ng aking tiyan, balik sa normal ang aking pagdumi at guminhawa ang aking pakiramdam.
” Pita” naman kung tawagin kapag meron akong pilay o nadislocate ang mga buto ko, sa Hilot din ako gumagaling. nagpapasalamat ako na naibalik natin ang kultura at tradisyon ng Pinoy Hilot.
Hilot Heals talaga, Mabuhay !